Ang
dulang “Si Tonying at ang Mahiwagang Aklat ng Kasaysayan” ay isinulat ni Dr.
Jose Victor Torres at idinerekta ni G. Romualdo R. Tejada. Ang pangunahing
tauhan ng dulang ito ay si Tonying, na isang binatang nagsasanay sa lugar na
kung tawagin ay Langit-langitan,
upang maging ikalabintatlong tagapagtala ng kasaysayan sa ilalim ng kaniyang
tagapagturo na si Tatalasi, ang siyang tagapagtalang papalitan ng binatilyo.
Ang
kahalagahan ng panonood ng dulang ito na isinabuhay ng mga mahuhusay na
tagapagganap ng Harlequin Theatre Guild ay upang buksan ang kaalaman ng bawat
manonood, lalo na ng kabataan, na ang kasaysayan ay sadyang makabuluhan.
Ito ay naglalaman ng mga “facts” na maaaring makatulong sa atin upang mas
maintindihan natin ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan.
Gayunpaman,
tila nakakalimutan na ng nakararami ang kahalagahan ng kasaysayan ng ating
bansa marahil na rin sa pagbabago ng panahon. Masyado nang naging abala ang
marami sa ating mga Pilipino ngayon sa paghahanapbuhay upang masuportahan ang
mga pangunahin nilang pangangailangan.
Bukod dito, ang henerasyon ngayon na kung tawagin ay Generation XXX ay nadala na ng makabagong teknolohiya kaya
nawawalan na ng panahon para sa mga ganitong bagay. Ang hindi lamang nila alam
na ang pagaaral ng kasaysayan ay ang siyang nagbubuklod sa lahat ng mamamayang
Pilipino upang mas maging makabayan tayo
sa puso at gayundin sa gawa. Sa tulong
ng pag-aaral at pagpapahalaga sa mga gawaing nakaraan, nabibigyan tayo ng
kaalaman kung papaano nga ba nangyari ang mga bagay-bagay. Dahil dito, tayo ay
nabibigyan ng karagdagang kaisipan sa kung anong paraan natin nakamit ang
kalayaan, ano ang mga naibahagi sa atin ng mga magigiting na bayani ng ating
bansa, ano nga ba ang naganap noong ikalawang digmaang pandaigdigan, at higit
pa.
Para
sa bahaging panapos nitong aking mapamunang papel, minsan ay sinabi ni Marcus
Tullius Cicero, isang emperador ng Roma, sa kanyang sanaysay na, “History
is the witness that testifies to the passing of time; it illuminates reality, vitalizes
memory, provides guidance in daily life, and brings us tidings of antiquity.” Ang nais ipahayag ng sipi na ito ay
kahit gaano pa kaluma ang kasaysayan ng isang bansa, nararapat pa rin itong pahalagahan sapagkat
sa mga gawaing nakaraan na ito nakasaalang-alang ang kung ano ang mayroon sa
kasalakuyan at kung ano-ano pa ang mga makatutulong sa pagtahak natin sa
hinaharap. Kaya naman, alamin ang tungkuling may ibig sabihin, matuto sa
nakaraan gabay ang kasaysayan natin.